-- Advertisements --
Nagpaluwal ng paunang P100,000 ang Philippine Olympic Committee (POC) bilang pinansiyal na tulong para sa legend na dating Asian sprint queen Lydia de Vega na ngayon ay nakikipaglaban sa kanser.
Sinasabing nasa maselang kalagayan si De Vega at naka confine sa Makati Medical Center dahil sa Stage 4 breast cancer.
Una nang na-diagnose noong 2018 pa sa naturang sakit ang dating atleta.
Kaugnay nito, POC Board ay nag-apruba ng P100,000 na medical assistance para kay De Vega habang si POC president Rep. Bambol Tolentino ay nagbigay din ng personal contribution na P100,000 para sa hospital needs nito.
Una na ring inutos ng Pangulong Bongbong Marcos sa PSC na tulungan si De Vega na nakaratay ngayon bunsod ng mas malaking laban ng kanyang buhay.