-- Advertisements --

Dinagdagan pa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang financial rewards sa mga atleta na nakakuha ng medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay POC president Abraham “Bambo” Tolentino na mayroong P100,000 ang bonus na matatanggap ng mga nakakuha ng gold medal, P30,000 naman sa silver at P10,000 naman sa bronze medal.

Dagdag pa nito na patuloy na kinikilala ng POC ang hirap na pinagdaanan ng mga atleta na sumasabak sa mga torneo sa ibang bansa.

Ang nasabing bonuses ay bukod pa sa itinakda sa batas ganun din sa cash incentives na galing kay Pangulong Rodrigo Duterte.