-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na wala ng inaresto na mga health safety protocol violators sa unang araw ng implementasyon ng modified enhanced community quarantine sa NCR Plus Bubble lalo na yung di nagsusuot ng face mask, face shield at mass gatherings.

Sa datos ng PNP sa unang araw ng implementasyon ng MECQ sa NCR plus mula 12midnight ng April 12 hanggang 5AM ng April 12 nakapagtala ang PNP ng nasa 770 na violators kung saan 503 ang binalaan, 235 ang pinagmulta at 37 ang pinagawan ng community service.

Sa datos na inilabas ng PNP JTF Covid Shield kahapon nasa mahigit 37,000 ang inaresto dahil sa paglabag sa uniform curfew hours nuong kasagsagan ng ECQ mula March 29 hanggang April 11,2021.

Sa kaparehong date of coverage iniulat ng PNP na nasa 50,416 ang lumabag sa minimum health standard protocol.

Sa isinagawang briefing kagabi kasama si Pang. Rodrigo Duterte iniulat ni Sinas nasa 3,400 ang mga inaresto sa panahon na umiiral ang ECQ sa NCR Plus Bubble.

Nasa 8,266 naman ang pinagmulta dahil sa paglabag sa RA 11332 o ang Reporting of communicable diseases Act.

Mahigit 14,000 din ang pinagmulta at mahigit 1,000 ang pinagawan ng community service sa NCR plus dahil sa curfew violations.

Una ng sinabi ni PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana na malinaw ang direktiba ni Sinas sa pagsisimula ng unang araw ng MECQ ay hindi na manghuhuli o mang aresto ang mga pulis.

Ayon kay Usana, bilin nito sa mga police commanders na hindi na rin maaaring tumanggap ng mga referrals mula sa barangay na kanilang inaresto na violators at iturn over sa PNP.

Aminado ang PNP na may natutunan na sila sa pagkamatay ng isang quarantine violator sa General Trias, Cavite.