Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi aarestuhin ng pulisya ang mga locally stranded individuals (LSI) na lalabas at mag-aasikaso ng kanilang mga dokumento pra makauwi, kahit walang hawak na quarantine pass.
Sa isang panayam sinabi ni PNP chief police Gen. Archie Gamboa, na maglalabas siya ng kautusan sa mga pulis para hindi higpitan ang stranded individuals na gawin ang mga kaukulang hakbang para sila ay makauwi.
Irerekomenda raw ng opisyal na kumuha ng clearance ang mga LSI sa mga istasyon ng pulis para makapag-asikaso kahit walang quarantine pass.
Pati na ang mga estudyanteng na-stranded sa Metro Manila ay hinikayat din ng PNP chief na lumapit sa mga istasyon ng pulis para matulungang makauwi.
Sa ilalim ng utos ng Department of the Interior and Local Government, pinagse-set up ng help desk ang mga police station para tulungan ang mga LSI at mga umuwing OFW.