Pinangunahan mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang pagsisimula ng kanilang 2019 sportsfest.
Suot ang kani-kanilang mga jersey, pumarada ang mga PNP personnel galing sa National Headquarters at National Support Unit para makilahok sa taunan nilang sportsfest.
Ayon sa PNP, layunin ng aktibidad na mas mapaigting pa ang samahan ng bawat unit at mas maging disiplinado ang mga pulis.
Hinihikayat din nito ang mga pulis na maging “physically fit” para mas mabilis silang makapagresponde sa krimen at mas magiging alerto sa kanilang trabaho.
Tampok sa PNP Sportsfest 2019 ang iba’t-ibang sports kagaya ng basketball, volleyball, badminton, table tennis, taekwondo, mini-marathon, swimming, tug-of-war, lawn tennis, bowling, track events, dancesport, boxing, arnis, karatedo at chess.