Pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatroliya sa gitna ng pangamba sa pagtaas ng insidente ng nakawan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., hindi makakapag-trigger sa pagtaas ng krimen ang kasalukuyang sitwasyon sa ekonomiya sa bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ng hepe ng pambansang pulisya sa publiko na nakalatag ang contingency measures.
Aniya, nakahanda ang security plan ng PNP at personnel training para sa worst-case scenarios.
Kaugnay nito, pinaigting ng PNP ang foot at mobile patrols partikular na sa mapanganib na mga lugar gaya ng mga palengke, transport hubs at commercial districts.
Ipinakalat din ang uniformed personnel sa public markers, transport terminals at shopping areas para malabanan ang mga aktibidad ng krimen.
Nagsagawa rin ang pulisya ng random checkpoints sa mga estratehikong lokasyon, habang nakadeploy naman ang mobile patrol units sa peak hours para matiyak ang seguridad ng komunidad.
















