-- Advertisements --
Arestado ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ang isang pulis na nakadestino bilang security sa Kongreso nang dahil sa kasong rape.
Ito ay matapos na masangkot sa tatlong kaso ng rape ang suspek na kinilalang si Patrolman Kemberly Cyd Cela.
Ayon kay Integrity Monitoring and Enforcement Group Director Police Brig. General Warren de Leon, matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Marikina RTC branch 193 ay agad na inaresto ng kaniyang mga tauhan si Cela na natimbog sa loob mismo ng tanggapan ng HOR.
Samantala, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Quezon City Police District mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo.