-- Advertisements --

Pinayuhan ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa ang mga pulis na habang naka duty ngayong pasko na huwag kaligtaan na magnilay-nilay.

Ayon kay Gamboa, sa panahon ng Pasko ay maunawaan ng mga pulis na ang tunay na diwa ng okasyon ay ang pagmamahalan at hindi pag-una sa sarili.

Sinabi nito na ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamalasakitan.

Hinikayat din ni Gamboa ang mga pulis na pagbutihan pa ang paglilingkod sa bayan at pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa ngayon naka-full alert ang PNP sa buong bansa.