-- Advertisements --

Tumanggi nang magsalita ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pag-aresto kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Ito’y matapos bawiin ng Pang. Rodrigo Duterte ang iginawad na Amnesty kay Trillanes matapos maharap sa mga kasong Rebelyon at Sedisyon bunga ng mga ikinasa nitong pag aaklas nuong 2003 at 2007.

Sa mensahe na ipinadala ni PNP Spokesman SSupt. Benigno Durana, ipinaubaya na nila sa mga tauhan ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ang pagsisilbi ng kautusan sa Senador.

Tumanggi rin maging ang Hepe ng CIDG na si Police Director Roel Obusan na magsalita ukol dito.
Sinabi ni Durana, ipapatupad nila kung ano nasa batas.

Una ng nagtungo kaninang umaga senado ang nasa isang team ng CIDG.

Ito ay para arestuhin si Trillanes na binawi na ang amnestiya na ipinagkaloob sa kaniya ng dating administrasyon.

Kasama ng CIDG team ang isang team din ng military police.

Kung natuloy ang pag-aresto sa senador, otomatikong iturn over siya ng CIDG sa military police dahil nasa active military service na ang status ngayon ni Trillanes dahil binawi na ang amnestiya na ipinagkaloob sa kaniya.