-- Advertisements --

Kinalampag ni House Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento ang mga kinauukulan na habulin ang mga donation scammers.

Inirekomenda ni Sarmiento sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Immigration (BI) na maglunsad ng crackdown laban sa mga scammers na ginagamit ang sitwasyon ng mga biktima ng kalamidad sa nakalipas na mga buwan para makakuha ng pera mula sa mga donors.

Isang grupo kasi aniya ang ginagamit ang kanyang opisina para manghingi ng pera mula sa mga negosyante sa transportation sector para makalikom ng pera na ipangtutulong sa mga biktima ng bagyo.

Maging ang opisina ng ilang mga kongresista at pangalan ng mga artista ay ginagamit din ng mga mapagsamantalang indibidwal, ayon kay Sarmiento.

Iginiit nito na ang kanyang opisina ay hindi nagsasagawa ng anumang donation drive.

Paalala ng kongresista sa mga nagbibigay ng donasyon na maging maingat sa mga taong nakakatransaksyon, lalo na online.