Nangako ang pamunuan ng Philippine National Police na bubuksan muli ang pagrerecruit sa mga miyembro ng Moro National Islamic Liberation Front at Moro Islamic LIberation Front para maging bahagi ng pambansang Pulisya.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, may nakalaan na 400 na slot para sa mga dating combatants ng MNLF at MILF na nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Matatandaang nitong nakalipas na araw ay opisyal na nanumpa ang 102 na dating miyembro ng MILF at MINLF at pormal nang magiging miyembro ng PNP.
Ang mga bagong recruit na ito ay unang sumalang sa isang taon na basic recruitment course at anim na buwang field training.
Pero ayon kay Col Fajardo, kulang pa ang bilang ng mga ito upang mapunan ang target ng pamahalaan na bilang ng mga makuhang dating combatants ng dalawang moro groups.
Ayon sa opisyal, itutuloy pa rin nila ang pag-proseso sa applikasyon ng nasa 7,000 applicants na pawang mga kwalipikadong combatants ng moro group.
Ang pitong libong applikante ay yaong mga nakapasa sa special qualifying eligibility exam ng PNP noong 2022, na silang uusad sa mas mataas na antas ng PNp recruitment.