-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP OIC Lt Gen Guillermo Eleazar na minomonitor ng Philippine National Police (PNP) partikular ang social media para duon sa mga lumalabag sa minimum health safety protocols.


Ayon kay Eleazar bumuo ng Facebook page ang Joint Task Force Covid Shield para imonitor ang mga mga lumalabag sa health protocols gaya ng pag paparty, pag iinuman sa kalye at iba pa.

24/7 minomonitor ng PNP Command Center ang nasabing Facebook page.
Layon nito para ihikayat ang netizens na tulungan ang mga otoridad sa striktong implementasyon ng IATF guidelines.

Aniya, kapag nakatanggap ang pulis ng report agad nila itong pinupuntahan sa area at huhulihin ang mga violators.

Inihalimbawa ni Eleazar ang insidente sa Taguig kung saan may nagreport, pagdating sa area huli ang sa akto ang isang grupo na nag iinuman sa tabi ng kalsada dahil may birthday.

Sa ngayon, giit ni Eleazar existing pa rin ito at nakatutok ang mga pulis sa social media para imonitor ang mga violators lalo na ngayon umay umiiral na curfew sa Metro Manila.

” Our police stations are directed to monitor complaints, concerns and information from the public thru personal, correspondence, calls, SMS and even thru the internet or social media as part of our police service and assistance,” pahayag ni Lt..Gen.Eleazar.