-- Advertisements --

Muling nakapagtala ang Philippine National Police ng pagbaba sa bilang ng index crime sa bansa.
Sa isang pahayag ay ibinida ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na patuloy ang pagbaba ng crime environment sa ating bansa sa kabila ng mga insidente ng pamamaril at pananambang sa ilang local executives nitong mga nakaraaang araw.
Ito ay matapos na maitala ng pulisya ang 19.49% na index crime sa Pilipinas mula noong Enero hanggang Pebrero 25 ng taong kasalukuyan.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga kasong murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft, at vehicle theft.
Samantala, kaugnay nito ay sinabi rin ni Azurin na ang magandang resulta na ito ay indikasyon ng patuloy na gumagandang Peac and Order sa bansa.










