-- Advertisements --

Aabot na ng 28 election related incidents (ERI) ang naitala ng Philippine National Police (PNP) ngayong panahon ng halalan.

Ito ay mula January 9 hanggang April 17, 2022.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, sa naturang bilang nasa 21 ang validated na at wala umanong kinalaman sa halalan.

Dalawa naman ang hinihinalang may kinalaman sa eleksyon at lima ang kumpirmadong may kinalaman sa politika.

Sinabi ni Fajardo, nanggaling ang limang validated election related incidents sa Region 1, 3, 9, 10 at Cordillera.

Dahil dito, nag-deploy ng dagdag na puwersa ang PNP at AFP upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon, nasa 114 areas ang inirekomenda ng PNP sa Comelec na kabilang sa “red category” o hot spot areas ngayong halalan.

Habang dalawang lugar sa Lanao del Sur ang nasa Comelec control dahil sa banta ng mga local terrorist group.