-- Advertisements --
Nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga validated election related incident na naitala ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, umakyat na sa 27 validated election related incidents ang kanilang naitala.
7 dito galing sa Region 9
6 sa Region 3
5 sa Cordillera
4 sa Region 1
3 sa BAR
At tig isa sa Region 7 at Region 10
Gayunman, sinabi ni Fajardo na mas mababa ang mga bilang na yan kung ikukumpara sa mga nakalipas na halalan.
Nasa 60 election related incidents (ERI) ang naitala noong 2019 habang 133 ERI naman noong 2016.