Nakalatag na ang comprehensive security plan ng Philippine National Police (PNP) para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP public information chief Col. Allen Rae Co, inisyal na nasa 20,000 police personnel ang kanilang idedeploy sa SONA, kabilang ang augmentation mula sa ibang ahensiya gaya ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.
Sa ngayon, hindi pa aniya maidedetalye kung paano ang magiging deployment ng pulisya sa mga partikular na lokayson sa kasagsagan ng ulat sa bayan ng pangulo.
Nakatakdang isagawa ang ikalimang SONA ng pangulo sa Hulyo 27 na inaasahang dadaluhan ng maraming bisita kabilang ang matataas na opisyal ng gobyerno at ilang foreign delagates kayat taun-taon na mahigpit ang latag ng seguridad sa palibot ng Batasang Pambansang Complex sa Quezon City.
















