-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP Directorate for Operations at JTF SAFE deputy commander Maj. Gen. Valeriano de Leon na nakahanda ang pambansang pulisya para sa isasagawang special elections sa hindi bababa sa 14 na barangays sa Lanao del Sur.

Ayon kay De Leon, nakikipag-coordinate na ang PNP sa Commission on Elections (COMELEC) para ipapatupad na seguridad sa special election, alinsunod sa direktiba ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao, Jr.

Sinabi ni De Leon na magde-deploy ng augmentation force ang PNP para umalalay sa lokal na pulisya para masiguro ang mapayapang pagdaraos ng special election.

Nasa mahigit 8,000 na mga botante ang “na-disenfranchise” sa naturang mga barangay sa Binidayan, Butig at Tubaran, Lanao del Sur matapos na ideklara ang failure of elections sa mga lugar na ito noong May 9,2022.

Nakatakda sa May 24 ang special election sa bayan ng Tubaran.