Suportado at nakiisa ang Philippine National Police (PNP) sa mga kapatid na Muslim sa pagsisimula ng pagdiriwang ng Ramadan o buwan ng pag-aayuno.
Ito ang naging pahayag ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo hinggil sa mga aktibidad na kanilang pinaghahandaan para sa mga kapulisan na bahagi rin ng Muslim community.
Maging sa mga miyembro ng kapulisan na bahagi ng muslim community ay inihayag ni P/Col Fajardo na mayroon din silang ihinandang aktibidad ukol sa nasabing okasiyon.
Kabilang sa mga ito ang paglalaan ng prayer rooms na kung saan sinisiguradong mayroong silang sapat na espasyo lalo na sa mga maliliit nilang istasyon upang makapagdasal ng taimtim ang mga kapulisang Muslim.
Samantala, tiniyak din P/Col Fajardo na mag de-deploy sila ng karagdagang pang kapulisan sa iba’t ibang mga lugar na tinukoy ng pulisya na pag gaganapan ng mga aktibidad kaugnay sa Ramadan.
Ito ay upang matiyak ang dagdag seguridad sa mga Muslim dahil hangad nila na magkaroong ng taimtim at ligtas ang paggunita ng Ramadan para sa mga kababayan nating Muslim.