Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na tatlo ang natukoy nilang Persons of Interest sa pag-ambush at pagpatay kay South Upi, Maguindanao del Sur Vice Mayor Roldan Benito at kanyang pamangkin.
Ayon kay Maguindanao del Sur Police Provincial Office Director Col. Roel Sermese, napag-alaman din ng pulisya na ang 3 POIs na ito ay mga standing warrant of arrest.
Una nang iniulat na si Vice Mayor Benito at ng kaniyang pamangkin, asawang kapitan at dalawang anak ay tinambangan habang sakay sila ng kanilang minamanehong pick-up noong Biyernes ng hapon sa Barangay Pandan.
Tiniyak ng pulisya na magsasagawa sila follow-up investigation at manhunt operation sa mga Person of interests. Kasunod nito, may binuo na rin umanong Special Investigation Task Group para tutukan ang kaso ng pagpatay sa Bise Alkalde.
Ibinahagi rin ng mga awtoridad na 2 anggulo ang tinitingnan nila sa insidente, una ay ang personal grudge at land conflict.