-- Advertisements --

May gagawing adjustment ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na under Comelec control.

Ayon kay PNP Directorate for Operations, PMGen Val De Leon, magdadagdag sila ng mga tauhan sa mga nasabing lugar.

Sinabi ng heneral, ito ay mula 15 hanggang 20 porsyento depende sa pangangailangan sa isang lugar.

Kabilang sa mga isinailalim sa COMELEC Control ay ang Marawi City, Maguing , Malabang at Tubaran sa Lanao del Sur.
At anim na bayan sa Maguindanao.

Ito ay ang Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag at Sultan Kudarat.

Sinabi ni De Leon na kausap na niya ang director ng PNP SAF na si PMGen Patrick Villacorte, upang ihanda ang kanilang puwersa para sa deployment.

Una nito ay pinaghahanda na ang nasa halos 200 Civil Disturbance Management o CDM teams sa bawat City, probinsya at rehiyon na tutulong sa pagbibigay seguridad sa halalan.

Manggagaling ito sa mga City at Provincial Mobile Forces at Regional Mobile Force Battalions.

Paliwanag ni Gen. de Leon, bahagi ito ng Mga Contingency Plans ng PNP para sa anumang pangangailangan pagdating sa halalan.

Bagama’t pinawi nito ang pangamba na may destabilisasyon habang nalalapit ang May 9 Election.