-- Advertisements --

Inabisuhan ng Philippine National Police (PNO) ang publiko na tiyakin muna kung kakailanganin nila ng travel pass sa mga probinsya na kanilang pupuntahan.

Ayon kay PNP Directorate for Operations chief Police Major General Alfred Corpuz, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa mga local policew stations ng kanilang pupuntahan para malaman ang mga requirements na kinakailangan.

Ang mga requirements ay palagi raw makikita na nakapaskil sa mga police stations at kahit sa kanilang social media accounts, at Facebook account ng PNP.

Mayroon aniya mga areas na sinususpinde muna ang pagpapasok sa mga travelers.

Para naman sa mga indibidwal na sasakay ng barko o eroplano, pwede nilang tawagan ang airlines o shipping companies upang malaman kung ano pa ang karagdagang requirement sa inyong destinasyon.

Subalit para sa PNP, mas makakabuti sana kung hindi muna gagala sa ibang lugar ang publiko kung hindi naman mahalaga ang kanilang gagawin.

Ito ay para na rin daw maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease lalo na sa nalalapit na holiday season.