Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang promosyon ng apat nilang opisyal bilang Brigadier General o one-star General.

Kabilang sa mga na-promote ang kauna-unahang Heneral na Director ng PNP Chaplain Service, si Police Brigadier General Jayson Ortizo.

Kasama din sa mga na-promote si Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, ang Deputy Regional Director for Administration of PRO-Caraga (DRDA, PRO-Caraga).


Tatanggap din ng kanilang unang estrella sina Police Brigadier General Emmanuel Peralta, ang District Director ng Southern Police District ; at Police Brigadier General Antonio C Yarra, ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO-4A.

Ang pag-apruba ng Pangulo sa promosyon ng naturang mga opisyal ay alinsunod sa endorsement ng Civil Service Commission (CSC), base sa rekomendasyon ni DILG Secretary at NAPOLCOM Chairman Eduardo Año at ng PNP Senior Officers’ Placement and Promotion Board.

Ang promotion ng mga bagong heneral ay epektibo nuong May 26, 2020.

Malugod namang tinanggap ng PNP sa pamumuno ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang apat na bagong Police Brigadier General sa kanilang hanay.