Ipinag-utos ni Eleazar sa mga police commanders lalo na ang PNP Maritime Group sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na mas paigtingin pa ang pagpapatrolya at ang kanilang intelligence monitoring sa mga dalampasigan at karagatan para hindi makalusot ang mga nagsasagawa ang illegal entry mula sa mga kalapit bansa.
Ayon kay Eleazar, layon nito maprotektahan ang mga lokal na residente sa tatlong lalawigan laban sa pagpasok ng Corona virus lalo na ang Delta variant.
Ang Pilipinias partikular ang tatlong nabanggit na lalawigan ay napakalapit lang sa Malaysia at Indonesia.
Nuong nakaraang Linggo, isinama ng Philippine Government ang Indonesia sa mga bansang may strict travel restrictions dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID 19 dulot ng Delta Variant.
Kaya naman sa ngayon mas pinaigting na pagpapatrolya at intelligence monitoring ang ginagawa ng mga pulis sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ayon naman kay PNP Maritime Group Director, BGen. John Mitchell Jamili na pinalakas pa nila ang kanilang maritime law enforcement operations sa mga border areas lalo na sa maritime area na nakaharap sa bansang Indonesia at Malaysia.
Dagdag pa ni Jamili, strikto din ang kanilang isinasagawang inspection sa mga barko at maging sa mga pasahero na nasa pier, sinisiguro na nasusunod ang minimum health and safety protocols.