-- Advertisements --

Kinondina ng Philippine National Police (PNP) ang naglabasang ulat na nananawagan ng pagbaklas ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, na walang katotohanan ang lumabas sa social media na nanawagan sa mga uniformed personnel na huwag sundin ang pangulong Marcos.

Dagdag pa nito na ang nasabing mga pahayag ay imbento lamang at may malisya na layon ay para magbigay ng pagkakalito at pagtanggal ng tiwala sa institusyon.

Giit nito na nananatiling matapat ang PNP sa kanilang sinumpaang trabaho.

Kanila ng iniimbestigahan ang sinumang nagpakalat ng malisyosong social media post.