-- Advertisements --

Walang nagaganap na nakawan o looting sa Siargao, Surigao del Norte at maging sa Dinagat islands sa gitna ng kakapusan ng pagkain matapos ang hagupit ng Bagyong Odette.


Ito ang tiniyak ni PNP-Caraga Public Information Office chief Police Major Dorothy Tumulak at sinabing ang kanilang mga tauhan na idineploy sa nasabing mga lugar ang magpapatunay na walang insidente ng nakawan roon.

Sinabi ni Tumulak, wala silang natanggap na kumpirmadong report hinggil sa mga napa ulat na nakawan o looting sa mga nasabing lugar.

Aniya, maraming pulis ang naka-deploy sa mga lugar na apektado ng pananalasa para matiyak ang peace and security.

Magugunitang si Bohol Governor Arthur Yap ay naalarma dahil sa kanilang sitwasyon na paubos na ang pagkain kaya umapela ng pagkain kasama na rin ang mga pulis at mga sundalo bago pa magkaroon ng looting sa kanilang lugar.