-- Advertisements --

Walang nakikitang mali ang Philippine National Police (PNP) sa pagtatalaga ni PNP Chief Debold Sinas ng mga kababaihan bilang commanders ng pulisya sa station at district levels.

Sinabi ng bagong public information office (PIO) chief ng pambansang pulisya na si P/B/Gen. Ildebrandi Usana, na hindi kasarian ang batayan sa pagtatalaga ng mga opisyal sa kanilang hanay.

Mas nakatuon umano si PNP Chief Sinas sa kakayahan at nagawa ng isang pulis para mabigyan ng kaukulang poder sa anumang posisyon.

Nasubukan na umano ito kahit noong nasa Central Visayas pa lamang, kung saan ilang kababaihan ang nabigyan ng tyansang humawak ng ilang sensetibong tungkulin.