Inihayag ni Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., na magiging patas ang sistema ng Philippine National Police sa kasalukuyang nasa proseso na 2025 attrition quota ng hanay, kung saan tinawag niya itong “nameless” at “faceless”.
Sinigurado ng hepe ng pulisya na walang magiging padrino, backer at special treatment sa mga aplikante na gustong makapasok sa serbisyo, tanging ang mga kwalipikado, maasahan at karapat-dapat lamang umano ang makakapagsuot ng chapa at uniporme ng pulisya.
Dagdag pa ni Nartatez ang pagiging pulis ay hindi lang isang propesyon kundi isang malaking tungkulin para magsilbi, magsakripisyo para maproteksyonan at masiguro ang kaligtasan ng sambayanan.
Pinaalalahanan din ni Nartatez ang mga opisyal ng pulisya na namumuno ng proseso sa aplikasyon na panatilihin ang intigridad at pagiging patas ng organisasyon.
Binigyang-diin nito na hindi madali ang makapasok sa serbisyo ng pulisya, kailangan umano itong makamit sa tamang proseso at hindi dahil sa koneksyon.
Ngayong taon balak ng PNP na mag-recruit ng 6,589 para sakanilang attrition quota upang mapanatili ang pwersa sa kanilng hanay.
Samantala, matatandaan naman na sinabi ni PNP Public Information Chief Brig. Gen. Randulf Tauño na maaring mag sumite ang mga aplikante ng kanilang mga aplikasyon sa mga lokal na stasyon ng pulis o pwede naman sa online, dapat din umanong Filipino citizen at pasado sa BMI, Physchological, Drug at Physical test na administrado ng PNP.
-- Advertisements --











