-- Advertisements --

Inihahanda ng Women and Children’s Protection Desk ng PNP ang kaso laban sa isang suspek na nananakit ng asawa at anak sa lungsod ng San Juan.

Sinab ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na may sapat silang ebidensiya ukol sa nasabing reklamo matapos na personal na nagsumbong sa kanila ang asawa ng suspek.

Bukod pa dito ay nakuhanan pa ang suspek na si Ronald Aquino Macapagal ng mga matataas na kalibre ng baril, claymore mine at mga bala.

Inaalam rin ng PNP kung sangkot ang suspek sa iligal na bentahang ng mga baril sa bansa.