Ikinagalak ng Philippine National Police ang naging desisyon ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na pagbawalan na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Maalalang una nang inaprubahan ang isang ordinansa sa lungsod ng Valenzuela na magbabawal sa operasyon ng mga POGO.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, alam ng mga LGUs kung ano ang mas nakabubuti sa kanilang mga lugar.
Ang nasabing hakbang aniya ay makakatulong din sa kampanya ng PNP na ipatupad ang kanilang mandatong manghuli at magpakulong sa mga nasa likod ng POGO operations na nasa likod ng ilang mga krimen sa buong bansa.
Maalalang una nang nabunyag ang kalakaran sa likod ng ilang mga malalaking POGO sa bansa, kabilang na ang umano’y pagkakasangkot sa human trafficking.
Ang naging aksyon ng Valenzuela City ay sa gitna na rin ng panawagan ng mga mambabatas na ipatigil na ang operasyon ng mga nasbaing uri ng pasugalan, dahil na rin sa dumaraming krimen na umano’y kinakasangkutan ng mga ito.