Humingi na ng tulong ang PNP sa Department of Information Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) para tuluyang maaresto ang mg iligal operators ng e-sabong.
Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr na mahalaga ang tulong mula sa DICT dahil ito aniya ay nakabase sa communications technology.
Mahirap aniya itong mahuli ng kapulisan dahil kadalasan sa mga ito ay nakatago at sa pamamagitan ng cellphone lamang ang operasyon.
Kasabay din nito ay bumuo ang Department of Interior and Local Goverment (DILG) ng multi-agency task group para tuluyang masawata ang e-sabong operations.
Ang mga technology agencies ay magsisilbing monitoring sa pagtukoy ng mga e-sabong operator at ang PNP naman ay siyang huhuli.
Ang hakbang ay bilang pagtugon sa Executive Order 9 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Disyembre 28 na nag-uutos sa patuloy na suspension ng e-sabong sa bansa.










