-- Advertisements --
Walang tigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagsawata sa mga sindikatong dayuhang.
Sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Redrico Maranan, na magkakasunod ang operasyon nila laban sa mga dayuhan na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato.
Reaksyon ito ng PNP sa pahayag ni Teresita Ang See ng Movement for the Restoration of Peace and Order na nagiging pugad na ang Pilipinas ng mga International Crime Syndicate.
Base kasi kay See na maraming mga insidente ang naiiulat na nadudukot kung saan ang mga suspek din ay kapwa dayuhan.