-- Advertisements --
Nakahanda ang PNP para magbigay ng seguridad sa mga piling paaralan sa National Capital Region (NCR) na magsisimula ng pilot test ng face-to-face classes ngayong araw, Disyembre 6.
Sinabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na mayroong mga itinalagang kapulisan sa 28 paaralan na kasali sa limited face-to-face classes.
Pinayuhan din nito ang mga kapulisan na dapat ay huwag pumasok sa loob ng paaralan ang mga ito at sa halip ay dapat sa labas lamang sila.
Hindi na aniya bago ang pagbabantay nila sa mga paaralan dahil noong Nobyembre ay sinimulan sa iba’t-ibang probinsiya ang face-to-face classes.