BOMBO DAGUPAN – Handang handa na ang kapulisan sa pagbibigay seguridad kaugnay sa gaganaping prusisyon ng imahe ng Our Laady of Manaoag dito sa lungsod ng Dagupan ngayong araw.
Ayon kay PLTCOL. Romil Avenido, OIC chief of police dito sa lungsod ng Dagupan, umaabot sa 127 security personnel at 50 force multipliers mula sa ibat ibang barangay sa ciudad ang ikakalat sa mismong pagdarausan ng event.
Kagabi ay nagpuong ang mga opisyal ng Public Order and Safety Office o POSO, City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMO, Maritime group at iba pang government agencies kung saan ay napag usapan ang security operation .
Sinabi ni Avenido na ala 8 ngayong umaga ay magkakaroon sila ng final briefing sa security deployment .
Samantala, bukas August 4 ay ang pagdating naman sa lungsod ni Apostolic Nuncio Archbishop Charles Brown.