-- Advertisements --

Nakatakda nang tumulong ang PNP-CIDG (Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group) sa Food and Drugs Administration (FDA) sa pagtugis sa mga nagbebenta ng iligal na gamot ang Ivermectin.

Ayon kay CIDG director M/Gen. Ignatius Ferro, hiling ng FDA na tulungan sila ng PNP para maiwasan ang iligal na pagbebenta ng nasabing gamot sa kanilang mga areas of responsibility (AOR).

Sinabi ni Ferro, may mga hakbang ng ginagawa ang PNP-CIDG para maiwasan ang pagbebenta ng Ivermectin.

Siniguro ni Ferro na kanilang tutugisin ang sinumang lalabag sa batas kasabay ng paghimok sa publiko na humingi muna ng professional help kung gagamit ng Ivermectin.

Nananawagan din ang CIDG director sa publiko na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad kung may mabalitaan silang iligal na nagbebenta ng gamot.