-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni PNP chief Gen. Debold Sinas na siya ay nabakunahan na ng COVID-19 vaccine noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.

Ito ay reaksiyon sa inilabas na pahayag ni special envoy to China Ramon Tulfo na binakunahan na si Sinas ng Sinopharm vaccine.

Ayon kay Tulfo magkasama umano sila ni Sinas nang mabakunahan.

Sa isang mensahe na ipinadala ni Sinas sa PNP Press Corps sinabi nito kung siya ay nabakunahan hindi na raw sana siya nagkaroon ng COVID-19 infection.

Naka-quarantine ngayon si Gen. Sinas sa Kiangan Treatment facility sa Camp Crame matapos mag positibo siya sa COVID noong March 11.