-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang pulisya na siguruhing hindi magtatagumpay ang mga itinuturing na election spoilers sa Lunes, May 13.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Lt. Col. Aldrin Gonzales, ang tagpagsalita ng PNP-12, inihayag nito na may isinagawang command conference upang matiyak ang kahandaan sa midterm elections.

Nangungunang direktiba umano ni Albayalde sa kapulisan ang mahigpit na pagbabantay, paggwa ng maayos sa kanilang trabaho, at hindi dapat maging “partisan.”

Ayon kay Gonzales, kasabay din ng pagbisita ni Albayalde sa Mindanao ang pagpresenta sa 29 na rebel surrenderees mula sa Saranggani at Sultan Kudarat.

Ipinasiguro naman ni Gonzales na nakahanda na ang mahigit 200 pulis na magsisilbing Board of Election Inspectors sakaling may mga guro na aatras sa Lunes lalo na sa mga lugar na itinuturing na hot spot areas.