-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang bilin ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa kaniyang mga kapulisan na gamitin ang mga body cameras sa tuwing may operasyon laban sa iligal na droga at sa regular na pagpapatrolya.
Ito rin aniya ang suhestiyon din ng PNP sa Korte Suprema noong nagkaroon sila ng pagpupulong.
Nararapat aniya na i-maximize ang paggamit ng body camera bilang dagdag proteksyon na rin ng mga kapulisan.
Ayon sa PNP chief, bawat PNP stations sa bansa ay mayroong tig-16 na body camera.