-- Advertisements --

Itinalaga na bilang number 4 man o ikaapat na pinakamataas na opisyal ng PNP si M/Gen. Cesar Hawthorne Binag bilang Chief Directorial Staff (TCDS).

Si Binag ang director ng Directorate for Information, Communication and Technology Management (DICTM).

Si Binag ay miyembro ng PMA Class of 1987.

Bilang TDCS Si Binag ang siyang magpapatupad ng mga programa na gustong ipatupad ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa.

Papalit kay Binag sa DICTM si B/Gen. Dionardo Carlos mula sa HPG.

Balik HPG naman si B/Gen. Eliseo De La Cruz Cruz mula sa CIDG.

Si Col. Rhoderick Armamento ay lilipat sa CIDG mula PRO 3 o Central Luzon.

Habang si Col. David Peredo Jr ang papalit sa kaniya sa PRO3 Mula sa Cordillera Police Regional Office.

Una nang sinabi ni PNP chief Gamboa magkakaroon ng reshuffle sa kanilang hanay bunsod sa pagkatatalaga sa kaniya bilang PNP chief.