Tiniyak ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na 100 porsyento ng pwersa ng PNP ang naka-duty ngayong Holy Week at handang tumugon sa anumang kaganapan.

Wala din namonitor na anumang banta ng terrorismo ang PNP ngayong semana santa.

Kaninang umaga nag ikot sa mga terminal ng bus sa Cubao si Dela Rosa para siguraduhin na may mga pulis na nagbibigay seguridad.

Inilunsad na kasi ng PNP ang kanilang Oplan Summer Vacation (SUMVAC).

Layon nito para maging ligtas sa paglalakbay ang ating mga kababayan.

Tinututukan din ng PNP ang mga kilalang beach resort sa bansa na siyang pinupuntahan para mag bakasyon.

Matapos itong mag inspection sa Araneta bus terminal, nagtungo ito sa Quezon City Police District para sa inspection and accounting of troops.