
Mariing kinondena ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang ginawang pananambang ng mga armadong New People’s Army (NPA) sa mga tauhan ng PNP sa Magsaysay, Occidental Mindoro noong Biyernes ng umaga habang nagbibigay seguridad sa ipamamahaging tulong ng pamahalaan para sa mga kababayan natin na mahirap sa nasabing lugar.
Sa nasabing ambush tatlong pulis ang nasawi habang siyam ang sugatan.
Personal na nagtungo kahapon si Eleazar sa Occidental Mindoro para parangalan ng Medalya ng Kadakilaan ang mga sugatang pulis at nagbigay pugay sa tatlong bayaning pulis na ibinuwis ang kanilang buhay sa ngalan ng kapayapaan.
Dalawa sa siyam na pulis na nasugatan ay kasalukuyang ginagamot ngayon sa PNP General Hospital.

“We strongly condemn this latest atrocity perpetrated by the communist terrorists in Occidental Mindoro. These terrorists really do not know the concepts of peace and humanity as even in this time of a public health emergency, they continue their cowardly attacks against state forces and even innocent civilians,” pahayag ni Eleazar.
Siniguro ni Eleazar na hindi palalagpasin ng PNP ang ginawa ng mga terorista hangga’t hindi maaresto at mapanagot sa batas ang mga suspek.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si chief PNP sa mga kaanak ng tatlong pulis na nasawi na sina PEMS Jonathan Alvares, PS/Sgt. Develos at PCpl Gongora.

“Sinisiguro ko sa kanilang pamilya na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. The PNP is now coordinating with them to extend all assistance in this difficult time. The PNP will also provide for the needs of ou 9 personnel who bravely fought to repel the communist terrorists and were wounded,” wika pa ni Gen. Eleazar.

Ongoing na sa ngayon ang manhunt operations na inilunsad ng PNP at AFP laban sa mga rebelde.
Direktiba naman ni Eleazar sa PNP sa Occidental Mindoro na palakasin pa ang kanilang tinatawag na target hardening measures.
















