-- Advertisements --

Isang linggo matapos maupo sa pwesto, nagpatupad ng malawakang balasahan ang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Aabot sa 30 matataas na opisyal ang napasama sa reshuffle kasama ang mga miyembro ng command group.

Batay naman ito sa order ng PNP Personnel Records and Management.

Si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia ay inilipat bilang commander ng Area Police Command – Visayas.

Papalit sa kanya si Lt. Gen. Chiquito Malayo na Chief of Directoral Staff.

Habang si PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ay inilipat bilang commander ng Area Police Command – Western Mindanao.

Papalit naman sa kanya si Maj. Gen Benhamin Dunlao Santos na director ng Directorate for Comptrollership.

Samantala papalit naman kay Malayo sa chief Directoral Staff si Maj. Gen Arthur Bisnar na nanggaling sa Directorate for Human Resource and Development.

Itinalaga naman si Brig. Gen Jonnel Estomo na acting Regional Director ng NCRPO.

Habang si Maj. Gen Felipe Natividad ay inilipat na acting commander ng Area Police Command ng Northern Luzon.