Todo paliwanag ang bagong PNP chief na si Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa ipinatupad na reshuffle ng mga opisyal kung saan ang kanyang second and third in command ay inilipat sa areas ng Visayas at Mindanao.
Una nang ini-releive si dating pnp chief Lt. Gen. Vicente Danao Jr. mula sa Office of the Deputy Chief for Operations at ni-reassign sa Western Mindanao Area Police Command.
Habang si Lt. Gen. Rhodel Sermonia ay ni-relieve mula sa Office of the Deputy Chief for Administration at inilipat sa Visayas Area Police Command.
Ayon kay PNP chief ang dahilan umano sa paglipat niya kay Gen Danao at Gen Sermonia ay para magkaroon ang mga ito ng oportunidad na maipakita ang kanilang pagiging competent lalo na at mga eksperto ang mga ito.
Aniya, si Sermonia ay magaling daw sa pag-organisa at advocate sa pagmobilisa sa mga kumunidad.
Magandang pagkakataon daw na pag-ibayuhin niyo ang kampanya laban sa insurgency lalo na at may insidente kamakailan ng pag-atake ng mga rebelde.
Habang si Gen Danao naman na dating PNP chief ng Duterte administration ay makakatulong sa implementasyon ng mga batas sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Giit pa ng bagong PNP chief ang reorganization sa mga high officials ay hindi na bago sa police organization kahit hindi pa naman ito sumailalim sa review at confirmation ng National Police Commission (NAPOLCOM).