Hanggang sa ngayon hindi pa rin matukoy ng PNP sa region 3 ang motibo sa pagpatay kay Father Richmond Nilo sa Nueva Ecija.

Ayon kay PRO-3 regional police director CSupt. Amador Corpus patuloy pa ang pangangalap nila ng ebidensiya para matukoy ang totoong motibo sa pagpatay sa pari.

Itoy kahit naaresto na ang prime suspect na nakilalang si Adel Roll Milan na isang drug surrenderor.

Iprinisinta ni Corpuz ang cartographic sketches at computerize special composite illustration ng tatlong suspek sa mga testigo.

Sa ngayon nasa anim na suspek ang tinukoy ng PNP sa pagpatay sa pari.

Positibong tinukoy ng Altar boy si Milan sa pagpatay kay Father Nilo.

Natukoy na rin ng PNP ang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa tracking and surveillance operation bago mapatay ang pari.

Nasa proseso na rin ang pagtukoy kung sino ang may-ari ng sasakyan.

Tinutugis na ng PNP ang lima pang suspek na at large hanggang sa ngayon.

Umapela naman si Corpuz sa publiko na ipagbigay alam sa PNP ang anumang impormasyon na kanilang makukuha kaugnay sa kaso.