-- Advertisements --

Blanko pa rin ang PNP Rosario sa Cavite hinggil sa kaso ni Father Joven Peregrino.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, hanggang sa ngayon hindi pa nakakausap ng mga awtoridad si Father Peregrino dahil hiling ng pamilya ang kaunting privacy, kasalukuyang naka confine sa isang pribadong hospital ang pari, nagpapahinga at nagpapalakas.

” Sa ngayon wala po talagang linaw itong ating investigation kaya nga po patuloy tayo nagre-reach out po ang Rosario PNP doon sa family ni Father,” wika ni Col. Fajardo.

Nag-request na rin ang Rosario PNP na makuha ang cellphone ni Father sakaling makakuha ng impormasyon ang mga otoridad para sa kalutasan ng kaso.

Sa ngayon ayon kay Fajardo, hindi pa nila itinuturing na kidnapping ang kaso ni Father.

Paliwanag ng opisyal, simula na nawala ang pari walang natanggap na ransom demand ang pamilya at maging parish church nito.

” From the time na nawala si Father wala naman po narecieve na demand for ransom yung kaniyang parish church yung kaniyang mga kaibigan at maging ang pamilya,” dagdag pa ni Col. Fajardo.

Itinanggi naman ng opisyal na may kinalaman sa sabong ang kaso ni Father Peregrino.

Gayunpaman sinabi ni PNP lahat ng posibleng anggulo hinggil sa kaso ng pari ay kanilang pakatututukan.

Sa kabilang dako, nag-rerequest na rin sa ngayon ang Rosario PNP ng mga CCTV lalo na sa mga commercial establishment kung saan posible nahagip ang pagdaan ng sasakyan ni Father Peregrino.