-- Advertisements --

Nakalatag na ang seguridad sa Metro Manila para maiwasan ang pananamantala ng mga teroristang grupo.

Sa ginawang pagpupulong ng Regional Peace and Order Council sa National Capital Region na pinamumunuan ni San Juan City Mayor Francis Zamora kasama si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Jose Melencio Nartatez ay tinalakay nila ang ilalatag na pagbibigay ng seguridad sa matataong lugar sa Metro Manila.

Natalakay din sa nasabing pulong ang mga hakbang para agad na masawata ang anumang pananamantala ng mga teroristang grupo.

Naninwala si Zamora na bawat local government unit ng Metro Manila ay mayroong mahigpit na ugnayan sa PNP para agad na rumesponde ang mga ito sakaling magkaroon ng kaguluhan.