Pinalakas na intelligence monitoring ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) umano ang dahilan kaya naaresto ang isang pinaghihinalaang top ranking Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) leader.
Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP ang Secretary General ng komunistang grupo na nakilalang si Esterlita Suaybaguio Espinosa.
Ang pag-aresto kay Espinosa ay batay bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89.
Isinilbi ang dokumento kay Espinosa sa kanyang condominum sa 20th Avenue sa Cubao, Quezon City nitong Lunes dahil sa kasong illegal possession of firearms and explosive.
Sa isinagawang raid, nakula mula sa tinutuluyan ni Espinosa ang isang 9mm pistol, hand grenade at mga dokumento.
Nahaharap sa kasong multiple murder, multiple frustrated murder at pagpatay kay Patrolman Ronald U. Napalan Jr. sa Sitio Lobo, Brgy. Mahaba, Cabadbaran City noong June 29 ang naaresto.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) si Espinosa kung saan sumailalim siya sa booking procedures and medical examination.