Ginawan na ng commemorative stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang namayapang dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni PHLPost chairman Norman Fulgencio na ang postage ay sumisimbolo ng pagkakaisa, respeto, pagmamahal sa bansa at pag-aalala sa isa’t-isa anumang lahi o paniniwala.
Dagdag pa nito na noong pumanaw ang dating pangulo ay isinantabi ang pulitika at buong bansa ay nagdalamhati.
Ang nasabing munting selyo ay magpapaalala sa pagmamahal at pagmamalasakit ni President Aquino sa bayan.
Mabibili ang commemorative stamp sa halagang P480 kada sheet.
Naging representative naman ng Aquino family si Malabon Mayor Lenlen Oreta na itinuturing paboritong pinsan ng pangulo dahil hindi nakadalo ang mga kapatid ng pangulo bunsod ng COVID-19 protocols.