-- Advertisements --

Patuloy ang paggaling ni British Prime Minister Boris Johnson.

Johnson Boris
Boris Johnson/ IG post

Ayon sa tagapagsalita ng 10 dwoning Street, nakakapaglakad na si Johnson matapos na mailabas mula sa intensive care units.

Nakausap na rin niya ang kaniyang doctors at pinasalamatan niya ang mga ito kasama ang buong clinical team.

Agad nitong inalala ang mga kalagayan ng mga nadadapuan ng coronavirus.

Magugunitang noong Marso ay nagositibo ang 55-anyos na si Johnson at nitong nakaraang linggo ay itinakbo ito sa pagamutan bago inilipat sa ICU matapos na hindi pa rin humupa ang sintomas ng coronavirus.