-- Advertisements --

Itinalaga ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., si PLt Gen. Manuel Manalo Abu bilang the The Chief, Directorial Staff (TCDS).

Ang nasabing posisyon ay ang pang-apat na pinakamataas na pwesto sa PNP na nanatiling bakante simula nuong Mayo 2.

Matatandaan na dating hinawakan ni Danao ang posisyon ng TCDS bago siya umangat bilang Deputy Chief for Operations (DCO) noong Mayo 2 at nanungkulan bilang PNP OIC noong Mayo 6.

Si Lt. Gen. Abu ay dating Director for Integrated Police Operations (DIPO) Eastern Mindanao at Regional Director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).

Si Abu ay miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989.

Ang appointment ni Abu ay naging epektibo kahapon, March 15,2022.