Tinatarget ng mga nagsusulong ng people’s initiative para sa Charter change na maidaos ang plebisito sa Hulyo dahil inaasahang maaabot ang kailangang bilang ng mga lagda sa nasabing buwan ayon kay Albay Representative Joey Salceda.
Ito aniya ang ipinaliwanag ng mga proponents kay Cong. Salceda.
Sa ilalim kasi ng People’s initiative, kailangan na makalikom ng mga boto mula sa 3% ng rehistradong botante para sa bawat distrito at 12% sa buong bansa.
Inihayag pa ng House Ways and Means Committee Chair na inaasahang sa susunod na linggo ay maaabot na ang 12% na kailangan para sa isinusulong na inisyatibo.
Itinanggi naman ni Rep. Salceda na sangkot ang mga mambabatas sa pagsusulong sa people’s initiative at ikinatwiran na nakasalalay lamang ang naturang insiyatibo sa efforts ng taumbayan.